Sabado, Abril 28, 2012

Panimula

Ako ay isinilang sa bayan ng Aguilar, Pangasinan. Apat na taong gulang pa lamang ako ay naghiwalay na ang aking mga magulang. Lumaki ako sa tahanan ng aking Lolo (sa father side) kapiling ang aking ina, lola, mga pinsan at mga tito/tita. Nakapagtapos ako ng elementarya malapit sa aming tahanan, hanggang ikatlong taon sa mataas na paaralan. Natapos ko ang high school sa Quezon City. Pinag aral ako sa MIT (intramuros), Civil Eng'g ang pinakuha sakin ng aking ama. Hindi ako nagtagal sa institusyon, nagpalipat lipat ako ng paaralan sa kolehiyo. Aminado akong kulang ang aking kaalaman, experience at hindi marunong makipag kaibigan sa mga kaklase ko na mataas ang lebel ng pamumuhay (mga sosyal). Nagkaron ako ng ilang kaibigan na katulad ko rin na nasa "middle class". Napunta ako sa University of Baguio, Technological Institute of the Philippines at University of Luzon kung saan ako huling nag aral. Sa college ko unang nasubukan makipag relasyon, tumambay sa library (kunwari nagaaral), maadik sa paglalaro (pang kaen ko nalang, panglalaro ko pa) at higit sa lahat... Dito ako namulat kung ano ang mundong ginagalawan ko...

Pero bago pa man ako nakapunta sa maynila, masaya ako sa probinsya. Nandoon kasi ang aking mga kaibigan, paborito kong mga tanawin (gusto ko sa mga tanawing maaliwalas, malayo sa pulusyon at puro puno, damo, bundok at mga kaibigan ko lang ang aking nakikita). At sa probinsya nakatira ang aking ina at lola na nabinyagan sa Jehova's Witnesses. Naging relihisyo ako simula noon. Nadala ko iyon sa pagtira ko sa Maynila. Ganun pa man, kahit alam ko kung ano ang tama sa mali, tila my kulang parin. Paulit ulit na ang aking nakikita sa telebisyon, pahayagan, paaralan at kung saan saan pa maging sa aking tinitirahan. Ano ba ang hindi ko nakikita o hindi natin alam at bakit parang may kulang.

Isa lang ang alam kong dahilan kung bakit napapagod ang tao sa pamumuhay, imbis na mag enjoy, nag aalala ka sa iyong babayarin, luho, bisyo, terorismo, pangarap at kung isa kang 'maka-mundong' tao, malamang ay nagaalala ka baka di ka makasunod sa mga 'uso'. Usong kanta, pananamit, stilo at kung ano ano pa.
Bakit? Dahil pinapaikot ka lang ng 'Sistema'. Habang tumatagal nagiging high-tech ang ating pamumuhay... Nabubuhay tayo kasama ang computer... At, kung nagtagumpay Sila, sa huli para ka na ring' isang makina na sunod sunuran sa sistema. Ang sistema ng mundo na pinamumugaran ng halimaw (o kaaway) na naisulat sa Biblya (Revelations chapter 13). Sana kahit papaano ay nakaramdam ka kung bakit ko ginawa ang blog na ito. May mga katanungan din ako kaya't patuloy akong nagsasaliksik. Naghahanap din ako ng mga sagot,  
at sana kung tumagal ako sa pagsusulat o hindi, mahanap ko ang mga ito.